^

Bansa

Paggamit ng plastics, styrofoams lilimitahan

-
Dahil nakakasama sa kalikasan, lilimitahan na ang paggamit ng mga pambalot na gawa sa synthetic materials katulad ng styrofoam, plastic plates, glasses at iba pang katulad nito na ginagamit sa packaging ng mga consumer products.

Iminungkahi kahapon ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar ang paggamit ng mga produktong mula sa papel at iba pang materyal na bio-degradable na hindi nakakapinsala sa kapaligiran.

Sinabi ni Villar na ang styrofoam na kadalasang ginagamit sa mga fastfood chains ay hindi totoong ligtas gamitin, ayon sa mga naunang ipinalabas ng mga gumagamit nito.

Nakasaad sa House bill 1462 na ang uri ng polycarbon plastics na ipinagbabawal nang gamitin ay ang polyethylene, polythene, vinyl, polyvinyl, phenolic vinyl, polyurethane, styrofoam at iba pang katulad nito.

Pamumunuan ng Bureau of Product Standard ng DTI at ng research bureau ng DOST ang pagsasagawa ng product testing ng lahat ng plastic na ibebenta at gagamitin sa bansa upang masigurong wala itong kasamang ‘harmful ingredients.’

Ang DTI naman ang siyang magtatakda ng criteria na magsisilbing standard for evaluating kung ang mga manufacturers ng mga plastic goods na ito ay nasusunod. (Malou Rongalerios)

BUREAU OF PRODUCT STANDARD

CYNTHIA VILLAR

DAHIL

IMINUNGKAHI

LAS PI

MALOU RONGALERIOS

NAKASAAD

PAMUMUNUAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with