P 25-M kinaltas sa mga pulis
September 3, 2004 | 12:00am
Sapilitang kinaltasan ng isang araw na suweldo ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) na katumbas ng P25 milyon upang idonasyon sa kaban ng bayan na nahaharap sa matinding fiscal crisis.
Sa isang press briefing sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief Director General Edgar Aglipay na ipinakakaltas niya ang isang araw na sahod ng mga opisyal at tauhan ng pulisya na tinatayang aabot sa P25 milyon upang i-donate sa National Treasury na magsisilbing kontribusyon nila sa pamahalaan.
Nilinaw naman ni Aglipay na boluntaryo ang hinihingi niyang pag-aambag ng mga pulis ng kanilang mga suweldo bunga na rin ng pagpiyok ng mga ordinaryong pulis sa nasabing desisyon ng PNP chief.
"I have directed Directorate for Comptrollership P/Chief Supt. Oscar Calderon to deduct one day salary of every policemen comprising 115,000 strong force to help alleviate the fiscal deficit. It would be voluntary," ani Aglipay
Bilang pruweba na determinado siyang tumulong sa gobyerno ay sinabi ni Aglipay na siya mismo ang mangunguna sa pag-aambag ng kanyang isang araw na suweldo. Itoy ipatutupad mula sa pinakamababang posisyon hanggang sa kanya na may pinakamataas na posisyon.
Sa panig naman ni SPO4 Israel Barrameda, chief executive ng Senior Police Officers, hindi na bago sa kanila ang pag-aambag dahil ginagawa nila ito para sa mga pamilya ng mga namatay na pulis.
Ang kautusan ni Aglipay ay ikalawang pagkakataon na mag-aambag sila para naman sa kapakanan ng mamamayang Filipino.
"Sabi ko nga, buhay nga namin, eh handa naming ibuwis para sa mamamayang Filipino, isang araw na suweldo pa kaya. Open-minded kami diyan," sabi ni Barrameda. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended