Presyo ng gasolna, diesel, LPG tumaas uli
September 2, 2004 | 12:00am
Nagtaas na naman ng kanilang produktong petrolyo kasama na ang liquefied petroleum gas (LPG) simula kahapon ng umaga ang mga independent oil players.
Alas-6 ng umaga kahapon ng itaas sa .30 sentimos kada litro ang kanilang produktong gasolina samantalang .45 sentimos naman sa produktong diesel at kerosene ang Unioil, Total at Flying V.
Isinabay din ng mga independent oil players ang P2 kada kilo o P22 kada isang tangkeng pagtataas ng kanilang produktong LPG.
Ayon sa mga independent oil players, kailangan nilang magtaas ng presyo ng produktong petrolyo kahit medyo bumaba ang presyo ng krudo sa pandaigdigang pamilihan upang makabawi sa mga nalugi sa kanila nitong mga nakaraang buwan.
Ito na ang ika-10 pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong taon.
Inaasahan namang susunod na magtataas ang major players na Petron, Caltex at Shell.
Samantala, pansamantala munang iniurong ng mga transport group ang kanilang petisyong P1 dagdag pasahe matapos muling ibalik ang mga diskuwentong ibinibigay ng mga kompanya ng langis sa mga tsuper. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended