^

Bansa

Miriam, Gordon nagkainitan

-
Nagkainitan sina Senators Miriam Defensor-Santiago at Richard Gordon sa isinagawang hearing ng Senado tungkol sa legalidad ng naging rate adjustment na 17 centavo/kwh ng Meralco.

Pinigilan ni Sen. Santiago, chairman ng Senate energy committee, si Sen. Gordon sa kanyang pagtatanong sa mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) upang mabigyan ng pagkakataon naman ang kinatawan ng Meralco na maibigay ang kanilang paliwanag hinggil sa 17 centavo rate adjustment.

Pero ayaw papigil ni Gordon at inakusahan na pinapairal umano ni Santiago ang pagiging diktador sa nasabing hearing hanggang sa ideklara naman siyang "out of order" ng huli.

Sa inis ay nagtangka si Gordon na lumabas sa hearing pero pinigilan naman siya ng kapwa miyembro ng majority bloc na si Sen. Lito Lapid kaya muling naupo ito sa nasabing pagdinig.

Iginiit naman ng mga opisyal ng ERC at Meralco sa Senado na hindi sa kanilang bulsa napunta ang .17 centavo/kwh na increase kundi sa cost recovery mechanism sa kinukuha nilang kuryente mula sa mga independent power producers (IPPs).

Ayon kay ERC Chairman Rodolfo Albano na dumalo sa ipinatawag na hearing, ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) ng Meralco na .17 centavo sa bawat ginamit na kwh ng consumers ay para sa cost recovery ng Meralco at hindi matatawag na rate increase.

Ipinaliwanag naman ni Ivanna dela Pena, vice president at head ng utility economics ng Meralco, malaki ang pagkakaiba ng GRAM sa Power Purchase Adjustment (PPA) dahil ang GRAM ay tuwing tatlong buwan samantalang ang PPA ay nagbabago kada buwan ang rate. (Ulat ni Rudy Andal)

CHAIRMAN RODOLFO ALBANO

ENERGY REGULATORY COMMISSION

GENERATION RATE ADJUSTMENT MECHANISM

GORDON

LITO LAPID

MERALCO

POWER PURCHASE ADJUSTMENT

RICHARD GORDON

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with