Ayon kay Gutierrez, alinsunod sa equal protection clause, may patas na karapatan ang babae at lalaki o tomboy man at bakla, gayundin ang labor code na nagbibigay proteksyon para sa lahat.
Batay sa Article 2, Sec. 14, "equality before the law, if the discrimination is patent like promotion or job opportunities, the agency, whether public or private, can be held liable".
Sa Article 13, Section 3 naman, isinasaad dito na ang isang estado ay may obligasyon na protektahan ang lahat ng uri ng manggagawa at magkaloob ng mga job opportunities gayundin ang labor code.
Subalit napakaliit lamang aniya ang naitakdang parusa ng batas dahil kasong unjust vexation lamang ang maaaring isampa laban sa mga mapapatunayang nagkasala.
Ang unjust vexation o Article 287 ng Revised Penal Code ay may katapat na parusang arresto menor o 1-30 araw na pagkabilanggo at multang P5-P200. (Ulat ni Ludy Bermudo)