Mendoza suportado ng Petcoa sa pananatili sa DOTC
August 22, 2004 | 12:00am
Nakakuha ng kakampi si Dept of Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza mula sa pamunuan ng Private Emission Testing Center Operators Association (Petcoa) para manatili ito sa tungkulin.
Sinabi ni Petcoa president Antonio Halili, nararapat lamang na manatili sa kanyang posisyon si Mendoza sa DOTC dahil sa pag-prayoridad sa kapakanan ng publiko sa pamamagitan ng paglilinis ng hangin mula sa usok ng mga sasakyan alinsunod sa implementasyon ng Clean Air Act ng pamahalaan.
Mabilisan din umanong nareresolba ni Mendoza ang problema ng transport sector at ng kanilang hanay sa pamamagitan ng paghahanap ng mga solusyon sa usapin sa pagtaas ng halaga ng gasoline at pagwawalis sa mga tiwaling emission testing operators nationwide. Isang tulad ni Mendoza ang dapat manatili sa puwesto dahil ito ay may puso para sa kapakanan ng taongbayan.
Sa hanay ng mga Gabinete ni Pangulong Arroyo, si Mendoza ay isa sa mga hindi tinamaan ng rigodon dahil kumpiyansa naman ang huli sa performance ng naturang kalihim. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest