'Killer' ni Ninoy nagsimula nang 'kumanta'
August 20, 2004 | 12:00am
Pormal nang nagbigay ng bagong testimonya ang isa sa mga killers ni dating Senador Benigno "Ninoy" Aquino at ibinunyag ang ilang personalidad na malapit kay dating Pangulong Corazon Aquino na siya umanong may kinalaman sa pagpaslang sa una.
Sa apat na pahinang sinumpaang salaysay na isinumite ng akusadong si dating Master Sgt. Pablo Martinez kay Public Attorneys Office chief Persida Rueda-Acosta at kay Bureau of Corrections (Bucor) director Dionisio Santiago, sinabi nito na unti-unting lalantad ang tunay na mastermind sa pagpatay kay Aquino sa lalong madaling panahon subalit ito ay kanyang ibubunyag sa tamang lugar.
Tiniyak ni Martinez ang pagkakasangkot ng umanoy negosyanteng si Herminio Gosueco, Gen. Romeo Gatan at Rolando Galman sa ginawang pag-assassin kay Aquino noong Agosto 21, 1983.
Ang tatlo ay tauhan aniya ng isang kaanak ni dating Pangulong Aquino na siyang utak sa pagpatay sa asawa nito.
Inamin ni Martinez na siya ay kinontak ni Col. Romeo Ochoco, ang deputy commander ng nabuwag na Aviation Security Command (AVSECOM) ng panahong iyon, upang utusan siya na imonitor si Galman habang isinasagawa ang pagbaril kay Aquino. Dahil dito, dinala siya sa Carlston Hotel sa Baclaran, Parañaque at dito nadatnan niya sina Gatan, Gosueco, Galman at iba pang di niya kilalang armadong lalaki. Dito rin siya binigyan ng ilang instructions para sa gagawing pagpatay kay Aquino.
Samantala, sa panayam naman ng DZBB radio sa negosyanteng si Peping Cojuangco, sinabi nito na imposibleng magawa ng pinsan niyang si Danding Cojuangco ang ipapatay ang dating senador dahil na rin sa mga umuugong na balita na ito ang umanoy tunay na utak sa nabanggit na kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest