DOTC sinampahan sa lifestyle check
August 20, 2004 | 12:00am
Sinampolan ni Pangulong Arroyo sa pagbusisi at pagsasailalim sa "lifestyle check" ang Department of Transportation and Communications (DOTC) upang tanggalin ang corruption dito.
Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Philippine Monitoring Group (PMG), isang bagong tatag na anti-corruption watchdog, na unahin ang DOTC matapos ireklamo ang naturang tanggapan ng isang grupo ng foreign investors kaugnay sa laganap na corruption ng ilang matataas na opisyal dito.
Ayon kay Jess Robles, executive director ng PMG, nagbanta ang 20-foreign businessmen na magpull-out ng kanilang investments kapag hindi naresolbahan ang graft at corrupt practices sa DOTC.
Nabatid na ang nasabing mga foreign traders ay tumulong sa pamahalaan (foreign assisted projects) para sa konstruksiyon ng mga ports, airports, railways at security.
Prayoridad ng Arroyo government ang malalaking infrastructure projects bilang bahagi ng 10-point program ng Pangulo. Karamihan umano sa mga malalaking proyekto ng gobyerno ay foreign assisted.
Sinabi umano ng mga foreigners na naamoy nila ang anomalya na niluluto ng pamunuan ng DOTC-Public Bids and Awards Committee (PBAC). Sinisira umano ni Assistant Secretary Roberto Castanares, head ng PBAC, ang pangalan ni DOTC Sec. Leandro Mendoza.
Sa imbestigasyon ng PMG, kontrolado ni Castanares ang lahat ng kontrata ng DOTC. Upang mag-push through ang malalaking proyekto na kasama ang mga dayuhan ay obligado ang mga ito na sumuka ng malalaking halaga bilang requirement umano ng gobyerno.
Sinampahan na ng kasong graft si Castanares sa Ombudsman. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest