^

Bansa

Senador,congressman idinawit din ni Mirriam

-
Isinangkot kahapon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sina Sen. Alfredo Lim at Parañaque Rep. Eduardo Zialcita bilang mga "principal suspects" sa P3 bilyong land scam na tinaguriang "Anak ng Amari" sa Smokey Mountain Development and Reclamation Project (SMDRP).

Sa press statement na inilabas ni Sen. Santiago, idinawit nito si Lim na noon ay Mayor pa ng Maynila at si Zialcita na noon ay general manager ng Public Estate Authority (PEA) na pawang mga miyembro ng executive committee ng SMDRP na siyang nagpalusot ng naturang proyekto.

Unang nakaladkad sa naturang kontrobersiya si Senate President Franklin Drilon dahil sa pagbibigay umano ng legal opinion para maging legal ang naturang proyekto. Nauna nang itinanggi ni Drilon na binasbasan niya ang naturang proyekto noong nanungkulan itong kalihim ng Department of Justice (DOJ) bagamat inamin nito na nagpalabas siya ng dalawang legal opinion nang humingi ng klaripikasyon si Dionisio dela Serna, ang chairman ng executive committee ng SMDRP. (Ulat ni Rudy Andal)

ALFREDO LIM

AMARI

ANAK

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIONISIO

DRILON

EDUARDO ZIALCITA

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PUBLIC ESTATE AUTHORITY

RUDY ANDAL

SMOKEY MOUNTAIN DEVELOPMENT AND RECLAMATION PROJECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with