Sa 9-pahinang resolusyon na pinirmahan ni Sr. State Prosecutor Roberto Lao, ipinawalangsaysay nito ang nasabing kaso na isinampa ni Mercado laban kay Robert Puyat Martel, may-ari ng Harrison Plaza.
Batay sa naging imbestigasyon ng prosecution, sinabi nito na walang matibay na basehan upang isulong ang kasong frustrated parricide laban kay Martel. Hindi umano nagtugma ang mga naging pahayag ng complainant hinggil sa pamamaril ni Martel noong Agosto 26, 2003.
Wala din aniyang mga iprinisintang testigo upang madiin sa kaso ang negosyante laban sa kanyang asawa.
Pinatunayan ni Martel sa korte na wala siya sa bansa noong Setyembre 2-Disyembre 5, 2003 kung saan sinasabi ni Mercado sa isang hiwalay na salaysay nito na tinangka pa siyang saktan at tinatakot habang sila ay magkasama ng asawa. (Ulat ni Grace dela Cruz)