^

Bansa

FVR isinabit ni Mirriam sa anomalya

-
Matapos makipagbati si Sen. Miriam Defensor-Santiago kay dating Pangulong Fidel Ramos noong panahon ng eleksiyon, isinabit na naman niya ito kahapon sa maanomalyang kontrata sa reclamation development ng Manila Bay.

Sa isang privilege speech, isinabit din ni Sen. Santiago sa anomalyang ito si Reghis Romero, may-ari ng R2 Holdings at isa sa naging hostage ng Abu Sayyaf Group (ASG) na dinukot mula sa Dos Palmas Resort sa Palawan noong 2001.

Ayon kay Santiago, tinatayang P3 bilyon ang ginastos ng pamahalaan para sa reclamation project ng Manila Bay nang matapos ito ay inilipat naman ang 70 hectare ng reclaimed area kay Romero sa pamamagitan ng kanyang Harbor Center Port Terminal.

Sa talumpati ng lady senator, sinabi nito na ang nasabing proyekto ay ipinagkaloob ni dating Pangulong Ramos nang walang public bidding sa joint venture ng National Housing Authority (NHA) at R2 Builders ni Romero.

Sa naturang joint venture agreement, nangako umano si Romero na gagastusan ang development ng Smokey Mountain at reclamation ng tinatayang 40 ektarya sa Manila Bay area sa tapat ng Radial Road 10.

Subalit ang kasunduang ito ay hindi sinunod ni Romero. Imbes na kasuhan umano ni Ramos dahil sa breach of contract, pinapasok pa umano ito sa Asset Pool Agreement kasama ng ilang government financial institution kung saan P3.1 bilyon ang nalikom na pondo at nakipagkasundo pa sa profit-sharing kay Romero.

Mula sa Asset Pool, 10 ektarya umano ng reclaimed land na nagkakahalaga ng P1.75 bilyon ang inilipat sa isa pang korporasyon ni Romero na Harbor Center Port Terminal kung saan ang majority ownership ay napunta din kay Romero na para dapat sa gobyerno.

Iginiit ni Santiago na dapat umanong imbestigahan si Romero dahil sa pinasok nitong joint venture agreement ay labag sa Konstitusiyon na nagbabawal sa isang private corporation na magmay-ari ng public lands samantalang sa Asset Pool agreement ay naging agrabiyado ang gobyerno.

"Ramos and the NHA apparently violated the anti-Graft and Corrupt Practices Act by acting with manifest impartiality, and evident bad faith," ani Santiago.

Binigyan-diin pa nito na dapat ang legal owner ng Harbor Center Port Terminal ay ang government financial institution at hindi si Romero. (Ulat ni Rudy Andal)

ABU SAYYAF GROUP

ASSET POOL

ASSET POOL AGREEMENT

DOS PALMAS RESORT

GRAFT AND CORRUPT PRACTICES ACT

HARBOR CENTER PORT TERMINAL

MANILA BAY

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with