Nagpadala kahapon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Merceditas Guttierez ng isang memorandum buhat kay Executive Secretary Alberto Romulo na pirmado ng Pangulo para sa naturang pagpapaliban ng pagbitay.
Nakasaad sa memorandum na ire-schedule ang pagbitay sa Nobyembre 8 buhat sa dating schedule na Agosto 10 ngayong taon.
Nabatid na napatunayang nagkasala sa mga krimeng panggagahasa ang 10 sa mga convict habang ang apat naman ay napatunayang nagkasala sa kasong murder.
Hindi naman binigyan ng reprieve ng Malacañang ang mga convict na nakatakdang bitayin rin ngayong buwan matapos na mapatunayang guilty sa mga kasong kidnapping at illegal drugs. (Ulat ni Danilo Garcia