^

Bansa

LTO tinira sa computer fee

-
Nagkakaisang kinukuwestiyon kahapon nina PISTON president Mar Gavida at PCDO-ACTO president Efren de Luna kung bakit patuloy sa paniningil ng computer fee ang LTO gayong nagma-manual ito sa kanilang operasyon.

Binigyang diin ng mga ito na dapat ay libre na sa computer fee ang mga motorista sa pagkuha ng lisensiya at pagre-rehistro ng kanilang sasakyan kung gamit lamang dito ay typewriter o manual ang operasyon.

Napag-alaman na unti-unting nagbabalik manual ang LTO sa kanilang operasyon dahilan sa hindi na 100 porsiyentong serbisyo ng IT company Stradcom, ang computer company na may hawak ng IT ng LTO, dahil sa malaking pagkakautang dito ng LTO.

Hindi na umano nakakapag-remit ang LTO sa Stradcom sa kita ng ahensiya sa computer fee na kinokolekta sa mga motorista at drivers na may transaksiyon sa LTO.

Hindi naman makunan ng panig si LTO chief Annell Lontoc hinggil sa bagay na ito dahil palagi umano itong nasa out-of-the-country at provincial trips. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

ANNELL LONTOC

BINIGYANG

CRUZ

EFREN

LTO

MAR GAVIDA

NAGKAKAISANG

NAPAG

STRADCOM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with