^

Bansa

Mga Pinoy sa Amerika pinag-iingat

-
Pinayuhan ng pamahalaan ang lahat na Pilipinong nasa ibayong dagat na maging maingat sa kanilang paglalakad at paglabas ng tahanan kasunod ng panibagong banta ng terorismo sa Washington at New York.

Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, ang mga bantang ito ay hindi isinasaisang-tabi lang ng pamahalaan.

Kabilang sa mga lugar na binabantaang atakihin ng mga terorista ay ang New York Stock Exchange and Citigroup Inc., World Bank, International Monetary Fund sa Washington at ang Prudential Financial Inc. sa Newark, New Jersey alinsunod sa impormasyong nakalap ng intelihensiya.

Sinasabi sa intelligence report ng US na ang pag-atake ay gagawin ng Al-Qaeda na siyang may malaking interes sa pananalakay sa mga institusyong pinansiyal.

Samantala, inihayag ni Bunye na nananatiling matatag ang istratehikong relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Bunye, nagpapatuloy ang magandang pagkakaibigan ng dalawang bansa bilang isang plataporma ng nagkakaisang paglaban sa terorismo para idepensa ang demokrasya. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

BUNYE

ESTADOS UNIDOS

INTERNATIONAL MONETARY FUND

LILIA TOLENTINO

NEW JERSEY

NEW YORK

NEW YORK STOCK EXCHANGE AND CITIGROUP INC

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRUDENTIAL FINANCIAL INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with