Batay sa ulat, nitong nakalipas na linggo ay tumanggap ng arms shipment ang MILF mula sa kanilang mga supporters sa ibang bansa na ibinagsak sa dalawang baybaying bayan ng Mindanao.
Nito umanong Hulyo 24 ay umaabot sa 1,190 automatic rifles at libu-libong mga bala ang dumaong sa Palimbang, Sultan Kudarat at Kapatagan, Lanao del Sur.
Ang nasabing mga armas ay sa kabila ng isinusulong na peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng separatistang mga rebelde.
Ayon kay AFP Southcom Chief Major Gen. Generoso Senga, simula ng matanggap nila ang report ay agad na silang nagdeploy ng mga tauhan mula sa Phil. Army at Phil. Navy na mahigpit a nagbantay sa mga lugar na posibleng puslitan ng nasabing mga armas at bala. (Ulat ni Joy Cantos)