Erap sa Switzerland magpapaopera
August 1, 2004 | 12:00am
Kung hindi makakakuha si dating Pangulong Joseph Estrada ng visa sa Estados Unidos para makapagpaopera ng kanyang may depektong tuhod, hihingin nito sa Sandiganbayan na maoperahan siya sa Switzerland.
Sinabi ni Partido ng Masang Pilipino spokesman Rolly Ramirez na kung sa Switzerland makakakuha ng visa ang dating pangulo, at pagbibigyan ng Sandiganbayan ang kanyang kahilingan, ang oopera kay Estrada ay ang isa pa niyang doktor na si Christopher Jordan.
Inihayag ni Ramirez na masyadong mataas ang hinihinging professional fee ng dating doktor na si Dr. Christopher Mow at aabutin ito ng milyun-milyong dolyar.
Ayon pa kay Ramirez, masyado nang iniinda ng dating presidente ang kanyang karamdaman sa tuhod at apektado na ang kanyang spinal column.
Noon pang nakaraang Marso dapat gawin ang operasyon ni Estrada pero nabalam ito dahil sa kawalan ng dokumento para sa kanyang pagbiyahe.
Tinangka sanang dito na sa bansa papuntahin si Dr. Mow pero masyadong malaking halaga ang magagastos sa pagpunta dito ng kanyang doktor at iba pa nitong katulong na manggagamot.
Kailangan pa ring ibiyahe papasok sa bansa ang mga kagamitang medical na gagamitin sa operasyon.
Inihahanda na ang petisyon ng dating pangulo para hingin na sa Switzerland na lang ito magpaopera sa halip na sa Amerika. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest