^

Bansa

Planong paglipat ng ARB issuance sa POEA binira

-
Umapela kahapon ang Confederation of Artists Managers, Developers and Training Centers, Inc. (CAMDA) na binubuo ng limang asosasyon kay Pangulong Arroyo na makialam ito hinggil sa kanilang kahilingang ipanatili na lamang sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pag-iisyu ng Artists Record Book (ARB) o training system certificates sa mga tinaguriang Overseas Performing Artists (OPAs).

Ayon kay Priscilla Caro, pangulo at tagapagsalita ng CAMDA, ang paglilipat ng issuance ng ARB sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) mula sa TESDA ay lalong magiging dahilan ng matinding korapsiyon sa hanay ng mga abusadong opisyal ng pamahalaan kung saan mas pahirap sa mga OPAs.

Binatikos din ng grupo ang planong pagbuwag sa mga training centers na anila’y hindi naman nakakasagabal sa mga adhikain na mapanatili at mapaganda ang kalidad ng mga Filipino performing artists na ipinapadala sa ibang bansa kung saan magiging dahilan pa umano ito ng pagkawala ng global competitiveness. (Ulat ni Ellen Fernando)

ARTISTS RECORD BOOK

AYON

BINATIKOS

CONFEDERATION OF ARTISTS MANAGERS

DEVELOPERS AND TRAINING CENTERS

ELLEN FERNANDO

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

PRISCILLA CARO

TECHNICAL EDUCATION AND SKILLS DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with