Populasyon kokontrolin ni Sen. Biazon
July 25, 2004 | 12:00am
Tuloy ang kampanya ni Sen. Rodolfo Biazon hinggil sa populasyon na ayon na rin sa kanya ay dapat na pagtuunan ng pansin dahil hindi biro ang paglobo nito sa ating bansa.
Inisa-isa ni Sen. Biazon ang malalaking lalawigan sa buong bansa upang isulong niya ang kanyang kampanya na naglalayong kontrolin ang pagdami ng populasyon ng bansa.
Nilinaw ng senador na hindi siya pro-abortion dahil sagrado siyang Katoliko pero ang nais niya ay ang pagplano ng pamilya.
Mayroong 84 million population ang Pilipinas, isa sa pinakamalaki sa Southeast Asia at tinatayang aabot ito ng 96 million sa loob ng anim na taon.
Sinabi pa ng mambabatas na malaki ang magiging bahagi ng mag-asawa upang makontrol ang paglobo ng pamilya, pero hindi rin nito isinusulong ang pagkontrol ng populasyon gamit ang ibang mga paraan.
Ani Biazon, mahalaga ang edukasyon para maplano ng mag-asawa ang kanilang pamilya at hindi na kailangan ang paggamit ng ibang paraan.
Ang isyu ng populasyon ang muntik ng maging dahilan upang hindi manalo si Biazon dahil na rin sa dami ng bilang ng mga Katoliko na nagkaroon ng maling akala sa kanyang programa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended