Pagkukumpara ng anak ni Flor Contemplacion: 'Pamilya ni Angelo mas masuwerte pa'
July 16, 2004 | 12:00am
Masuwerte pang maituturing ang pamilya ni Angelo dela Cruz dahil mabilis na kumilos ang kasalukuyang administrasyon para mailigtas ito mula sa kamatayan na kabaligtaran sa nangyari noong panahon ni Flor Contemplacion, ang binitay na domestic helper sa Singapore, siyam na taon na ang nakakaraan.
Sa exclusive interview kay Russel Contemplacion, anak ni Flor, nakikisimpatiya sila sa mga anak ni dela Cruz dahil sa nararanasan nilang paghihirap sanhi ng banta sa buhay ng kanilang ama.
Sinabi ni Russel na kasalukuyang empleyada ng Kamara, na siyam na taon ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya lubusang nakakare-cover at naiiyak pa rin tuwing maaalala ang sinapit ng kanyang ina na binitay sa Singapore noong March 17, 1995, dahil sa kasong double murder.
Hindi aniya maaalis sa kanya na sisihin pa rin ang gobyerno sa kapabayaang ginawa sa kaso ng kanyang ina na nakulong noong 1991 at binitay noong 1995.
Apat na taon anyang nakakulong ang nanay niya, pero hindi sila tinulungan at kumilos lamang ang gobyerno noong bibitayin na ito.
Kapwa nangako umano sa kanya sina dating Pangulong Fidel Ramos at Sen. Franklin Drilon na gagawin ang lahat ng paraan upang mailigtas ang kanyang ina pero hindi naman ito nangyari.
Base sa kuwento ni Russel, ilang beses siyang nakipagkita kina Ramos at Drilon upang makiusap na tulungan ang kanyang ina.
Noong 1995, sa radyo lamang ng isang kapitbahay nalaman ng pamilya Contemplacion sa San Pablo City na bibitayin na si Flor.
"Noon lang mabilis na kumilos ang gobyerno. Ikinuha kaagad kami ng apat na magkakapatid ng passport tapos inilipad kami sa Singapore," salaysay ni Russel.
Sinabi pa nito na sanay hindi sapitin ng mga anak ni dela Cruz ang nangyari sa kanyang mga kapatid na pinangakuan ng gobyerno na pagtatapusin ng pag-aaral pero hindi naman natupad.
Hanggang ngayon aniya ay may utang pa sa eskuwelahan sa San Pablo College ang kanyang tatlong kapatid na hindi na nakatapos ng high school at tumigil na lamang sa pag-aaral.
"Sabi sa amin, sasagutin yong pag-aaral namin through DECS, pero hindi naman binayaran yong tuition ng mga kapatid ko," sabi pa nito.
Nakatapos lamang si Russel ng kanyang pag-aaral dahil sa trust fund na ang pondoy nagmula sa mga tumulong sa kanila matapos mabitay ang ina.
Idinagdag nito na sanay maging matatag ang mga anak ni dela Cruz dahil malaki naman ang pag-asa na muli nilang makakapiling ang kanilang ama. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest