Drilon-Villar okey sa term sharing
July 13, 2004 | 12:00am
Nagkasundo sina Senate President Franklin Drilon at Sen. Manuel Villar, Jr. na magkaroon na lamang ng term-sharing sa Senate leadership sa pagbubukas ng 13th Congress sa July 26.
Pumayag si Sen. Villar na manungkulan sa 1st and 2nd regular session si Sen. Drilon at ang 3rd regular session naman ang kanya.
Sa ipinalabas na joint statement nina Villar at Drilon, nagkasundo sila sa term-sharing upang mabigyan ng tuon ng liderato ng Kongreso ang kasalukuyang financial crisis ng bansa.
Sa pagbubukas ng Kongreso sa darating na Hulyo 26 ay unang manunungkulan si Drilon sa loob ng dalawang taon habang sa July 2006 hanggang June 2007 naman ang termino ni Villar.
Ang kasunduang ito ay namagitan lamang kina Drilon at Villar dahil silang dalawa lamang ang nagpapakita ng interes na makuha ang posisyon.
Ito ang ikatlong pagkakataon na pumasok sa term-sharing agreement si Drilon kung saan ang nauna ay kay yumaong Sen. Blas Ople noong 11th Congress at pangalawa ay kay yumaong Sen. Renato Cayetano noong 12th Congress.
Ngayong nagkasundo na sina Drilon at Villar ay aasikasuhin naman ng mga ito ang distribusyon sa chairmanship ng 22 committee kabilang ang mga itatalaga sa Commission on Appointments (CA) at Senate Electoral Tribunal. (Ulat ni Rudy Andal)s

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest