^

Bansa

Angelo palayain - Malaysia

-
Bagaman mabagal ang desisyon ng Philippine government ukol sa pagbihag sa Filipino worker na si Angelo dela Cruz, nagpakita ng simpatiya ang mataas na opisyal ng Malaysia para sa Overseas Filipino Worker na si Angelo dela Cruz at hiniling sa mga Iraqi rebels na palayain na ito.

Umapela ang Malaysian government sa pamamagitan ni Foreign Minister Syed Hamid Albar sa Islamic Army of Iraq-Khalid Bin al-Waleed Brigade na pakawalan na ng mga ito ang kanilang mga foreign hostages kabilang ang Pinoy truck driver na si dela Cruz.

"We strongly appeal for an immediate and unconditional release of all hostages including a national from the Philippines being held in Iraq," ani Foreign Minister Syed Hamid sa kanyang press statement.

Sinabi ni Syed Hamid, tumatayong chairman ng 57-member ng Oraganization of Islamic Conference na hindi nila pinapayagan ang ganitong gawi na banta sa buhay ng mga inosenteng sibilyan at manggagawa.

Sinabi naman ni National Security Adviser Norberto Gonzales na nakipag-usap na sila sa mga religious leaders ng Indonesia, Malaysia, Libya at Egypt.

Sinabi ni Gonzales na lahat ng kanilang kausap na foreign religious leaders ay maiimpluwensya. Sila aniya ang katuwang din ng gobyerno upang tumulong para sa pakikipagnegosasyon sa nasabing mga hostage takers upang matiyak ang kaligtasan at mapalaya ang nasabing bihag na Pinoy. (Ulat ni Ellen Fernando)

ANGELO

CRUZ

ELLEN FERNANDO

FOREIGN MINISTER SYED HAMID

FOREIGN MINISTER SYED HAMID ALBAR

ISLAMIC ARMY OF IRAQ-KHALID BIN

NATIONAL SECURITY ADVISER NORBERTO GONZALES

ORAGANIZATION OF ISLAMIC CONFERENCE

OVERSEAS FILIPINO WORKER

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with