^

Bansa

Drug rehab sa mga probinsiya itatayo

-
Dahilan sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga drug dependent sa bansa, magtatayo ang Dangerous Drugs Board (DDB) ng mga rehabilitation center sa mga lalawigan partikular na sa Visayas at Mindanao.

Sa panayam kay DDB assistant secretary Rommel Garcia nina Jim Bilasano, ng Radyo ng Bayan; Jerry Yap, director ng National Press Club (NPC) at Ed Castillo, presidente ng Seagulls Flight Foundation Inc. sa programang "Handog na Pag-asa", kinumpirma nito na patuloy ang pagtaas ng mga drug user sa bansa mula sa 20,000 noong 1972 hanggang 3.4 milyon ng taong kasalukuyan,

Sinabi pa ni Garcia na hindi sapat ang rehabilitation center sa buong bansa kaya magtatayo na rin ng mga rehab center upang mapagbigyan ang lahat ng nais na magpa-rehab na nasa mga malalayong lalawigan.

Nilinaw din nito na ang naturang plano ng DDB ay base pa rin sa proyekto ni Pangulong Arroyo na "Barkada Kontra Droga" kaya naglaan dito ng halagang P1 bilyong budget para sa naturang proyekto katulong din ang PAGCOR at PCSO.

Ayon pa kay Garcia, pag-aaralan muna nila kung saan uumpisahan ang konstruksiyon ng mga rehab center subalit uunahin pa rin ang mga rehiyon na wala pang rehab center.

Samantala, si DOH Undersecretary Antonio Lopez ang kakapanayamin ng mga batikang mamamahayag na sina Bilasano at Yap sa kanilang programang "Handog Pag-asa" upang talakayin ang mga fly-by-night rehab center at ang magiging hakbang ng DOH upang mapigilan ang paglaganap nito sa bansa. Mapapakinggan ito tuwing araw ng Linggo dakong alas-5 hanggang alas-6 ng gabi sa Radyo ng Bayan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BAYAN

DRUGS BOARD

ED CASTILLO

GARCIA

GEMMA AMARGO

HANDOG PAG

JERRY YAP

JIM BILASANO

NATIONAL PRESS CLUB

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with