Ayon kay DOJ acting Sec. Merceditas Gutierrez, binubuo na ngayon ang isang komite na siyang gagawa ng mga patakaran ng programang "Justice on Wheel".
Ayon sa kalihim, gagawing isang maliit na korte ang isang van o truck na kumpleto ng mga kagamitan, suplay at maging mga tauhan tulad ng clerical staff, opisyal at maging mga hukom na siyang hahawak ng mga nabibinbing kaso.
Ipapadala umano ang naturang mga "mobile courts sa mga malalayong lugar na walang korte upang hindi na mahirapan ang mga abogado sa pagbiyahe, mabawasan ang mga nakabinbing kaso at maengganyo ang mga tao na magsampa ng kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)