'Walang pull out !'
July 11, 2004 | 12:00am
Nanindigan ang Malacañang na huwag padala sa ultimatum na ipinataw ng militanteng Iraqi na alisin ang tropang Pinoy sa Iraq kapalit ng kalayaan ng truck driver na si Angelo dela Cruz.
Ayon kay National Security Adviser Norberto Gonzales, malaking implikasyon ang magaganap sa bansa sa sandaling bumigay sa pananakot at pandarahas ng mga Iraqi insurgents.
Ani Gonzales, ang tropang Pilipino sa Iraq na miyembro ng humanitarian contingent ay nakatakda nang bumalik sa bansa sa Agosto 20, 2004. "Nagkataon na ang ating commitment sa Coalition of the Willing ay magi-expire sa August 20, 2004. Ang lapit na nun. Ang mangyayari kasi, after August 20, UN na ang magti-take over sa Iraq at bilang miyembro ng UN masasama ang bansa sa usapan by August 21," sabi pa ni Gonzales.
Kung ang pag-uusapan anya ay ang isyu ng pag-alis ng tropa sa Iraq, mangyayari lang iyan sa Agosto 21. Ito ay pandaigdig na kasunduan. Inihayag pa ni Gonzales na napakaliit ng papel na ginagampanan ng mga tropang Pinoy sa Iraq dahil ang layunin nila ay magsagawa ng humanitarian mission upang tumulong sa rehabilitasyon ng nasabing bansa gaya ng pagtatayo ng mga paaralan, health centers, kalsada at walang planong makasakit at manggulo doon kaya walang dahilan ang mga rebeldeng pag-initan ang mga Pinoy.
Binatikos naman ng pamilya dela Cruz si Pangulong Arroyo dahil sa patuloy na pagbibingi-bingihan at sa hakbanging isakripisyo ang buhay ni Angelo.
Sa pahayag ng pangalawang anak ni Angelo na si Juliesis, nagkakaisa ang kanilang pamilya sa paninindigan na dapat i-pull out na ang RP contingent.
Sinabi naman ni Gonzales, seryoso ang tingin ni Pangulong Arroyo sa kasalukuyang krisis sa Iraq kaya ang buong Gabinete ay pinakikilos niya.
Gumagawa na rin anya ng pakikipagnegosasyon ang pinakamatataas na religious leaders ng Indonesia, Malaysia, Libya at Egypt para mapalaya si dela Cruz.
Ang mga tao anyang bumihag kay dela Cruz ay iba ang takbo ng pag-iisip kaya kailangang naghahanda na ang bayan kung ano ang mangyayari kabilang na ang pagsasakatuparan nila sa banta sa buhay ng Pinoy truck driver.
Kaugnay nito, inihayag ni Foreign Affairs spokesperson Atty. Bert Asuque na isang video footage ang naipadala sa Al Jazeera television na naglalaman ng panawagan at mensahe si DFA Secretary Delia Albert para sa grupong bumihag kay dela Cruz.
Nakasaad sa video ang paglilinaw ni Albert na si dela Cruz ay hindi kabilang sa Pinoy contingent at isang ordinaryong manggagawang Pilipino na nagtrabaho sa Saudi Arabia upang itaguyod lamang ang walong anak.
Kinumpirma din ni Albert na nagpadala at natanggap na ang isang video footage ng pamilya dela Cruz para sa Khalid Bin al Walid Brigade, ang grupong humahawak kay Angelo na nanawagan at nagmamakaawa na huwag ituloy ang pagpugot ng ulo kay dela Cruz.
Maging ang aktor na si Robin Padilla ay umapela sa kanyang kapwa Muslim na nang-hostage kay dela Cruz na palayain sa pamamagitan din ng isang footage na ipinadala na ang mensahe ay naka-translate sa Arabic language.
Habang isinusulat ang balitang ito ay umaasa ang lahat na napalaya na si Angelo. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest