^

Bansa

'Ipot' ng kalapati mas deadly pa sa SARS

-
Isang kakaibang sakit na sinasabing mas matindi pa sa kinatatakutang severe acute respiratory syndrome (SARS) ang naging sanhi ng kamatayan ng isang 8-taong-gulang na batang lalaki sa Batangas City na pinatunayang ang sanhi ay ang "ipot" o dumi ng kalapati.

Sinabi sa ulat na ang ikinasawi ni Prince Charles Liboon, ng Bgy. Kumintang East, Batangas City ay ‘meningococcemia,’ isang uri ng meningitis o impeksiyon sa utak na dulot ng virus na dala ng dumi ng kalapati.

Ang sintomas ng sakit ay mataas na lagnat, pantal-pantal ang balat at nagkakasugat-sugat, pagsusuka at pananakit ng kasu-kasuhan. Sa loob lang ng 2 araw ay maaaring mamatay ang pasyente.

Ayon sa mga health experts ng St. Luke’s Hospital, ‘very highly contagious disease’ umano ang nasabing sakit na dumapo sa nasabing biktima. Ito ay kabilang sa airborne disease na nakakahawa sa pamamagitan ng simpleng pagsinghot ng hangin na dala ang virus.

Nabatid din na simula nang magkasakit ang biktima ay nagsarado ang Batangas City East School, ang katabing eskuwelahan nito bukod pa sa pinapasukan ni Liboon sa nasabing lugar sa takot na madapuan ang iba pang estudyante.

Sinelyuhan din ang kabaong ng biktima upang hindi na ito magkalat pa ng virus.

Dahil dito, nagbabala ang health experts na mag-ingat ang publiko sa pag-aalaga ng kalapati dahil ang nasabing sakit ay halos wala nang lunas at nauuwi sa kamatayan.

Katulad ng SARS, wala pang gamot sa viral disease na ito. Ang virus ay hindi kaagad nade-detect. Nanunuot ito sa katawan ng tao, sa mga ugat na nagtutuloy sa utak. Sinisira nito ang utak ng tao at pinamamaga.

Nabigo namang makunan ng pahayag ang DOH kaugnay sa sakit na ito. (Ulat ni Ludy Bermudo)

AYON

BATANGAS CITY

BATANGAS CITY EAST SCHOOL

BGY

DAHIL

ISANG

KUMINTANG EAST

LUDY BERMUDO

PRINCE CHARLES LIBOON

ST. LUKE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with