Igme lumakas pa

Tumindi pa ang pananalasa ng bagyong Igme sa bahagi ng Calayan Group of Islands sa Cagayan at inaasahang mananatili sa bansa sa loob ng dalawang araw.

Sa report ng PAGASA, umakyat na sa signal no. 4 ang bagyo sa Northern Cagayan kasama ang Calayan Group, Batanes Group, Apayao at Ilocos Norte taglay ang pinakamalakas na hanging 180 kilometro bawat oras hanggang 230 km bawat oras. Signal no.3 sa nalalabing bahagi ng Cagayan, Kalinga, Abra, Ilocos Sur, La Union, Mt. Province at Benguet. Signal no. 2 sa Isabela, Ifugao, Nueva Vizcaya at Pangasinan; samantala signal no.1 sa Quirino, Aurora, Northern Quezon, Nueva Ecija, Tarlac, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Lubang Islands, Occidental Mindoro, Calamian Group of Islands at Metro Manila. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments