^

Bansa

3-M Yen multa: Mga Pinoy TNT sa Japan pinag-iingat

-
Nagbabala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga manggagawang Pilipino sa Japan kabilang ang libu-libong entertainers na mag-ingat hinggil sa bagong ipatutupad na Immigration laws doon.

Ayon kay Foreign Secretary Delia Albert, pinabigat ang multa sa mga mahuhuling illegal foreigners kabilang na ang mga Pilipinong illegal na nagtatrabaho sa Japan.

Kabilang sa mga bagong batas ay ang pagpapataw ng multang 3 milyong Yen sa maaaresto at mapapatunayang illegal foreigners.

Sinabi ni Albert na ipapadeport ang bawat illegal alien sa Japan at hindi na pinapayagang makabalik sa nasabing bansa o ban sa loob ng 10 taon.

Gayunman, ang mga Filipino alien na boluntaryong tutungo sa immigration department sa Japan ay hindi makukulong at agad na ipapadeport.

Ayon kay Consul Geenral Antonio Villamayor ng Philippine Consulate sa Osaka sa report nito sa DFA na ang bagong Immigration Law sa Japan ay mag-eepektibo sa Nob. 27, 2004.

Sinabi ni Villamayor na nailathala na rin ang nasabing bagong batas sa dalawang pangunahing pahayagan sa Japan gaya ng The Japan Times at The Daily Yomiuri. (Ulat ni Ellen Fernando)

AYON

CONSUL GEENRAL ANTONIO VILLAMAYOR

DAILY YOMIURI

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

ELLEN FERNANDO

FOREIGN SECRETARY DELIA ALBERT

IMMIGRATION LAW

JAPAN

JAPAN TIMES

PHILIPPINE CONSULATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with