450,000 spikes pa ikakalat sa proklamasyon ni GMA
June 24, 2004 | 12:00am
Nakaalarma na ang buong puwersa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa banta ni Atty. Elly Pamatong na muli siyang magpapakalat ng 450,000 pirasong metal spike sa buong Metro Manila at iba pang sulok ng bansa bago iproklama at sa araw ng proklamasyon ni Pangulong Arroyo.
Nanggagalaiti si Pamatong matapos magpalabas ng kautusan ang PNP na magbibigay sila ng reward sa taong makakapagturo o makapagbibigay ng impormasyon para sa agarang pagkakadakip sa panggulong kandidato.
Lalo pang ikinagalit ni Pamatong ang pagsasampa sa kanya ng disbarment case ng pulisya upang mawalan ito ng lisensiya sa pagiging abogado.
Dahil dito, hinimok ni Pamatong ang publiko partikular ang mga motorista na huwag muna silang lalabas at papasada sa mga kalye sa nakatakdang proklamasyon ni Pangulong Arroyo at Senator Noli de Castro upang hindi mabiktima ang kanilang mga sasakyan ng mga ipapakalat na pako.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest