"Si Rudy Galang ay hindi empleyado o operator ng K-4 at hindi ko kailanman binasbasan na gawin ang kanyang sinasabing kanyang ginawa noong nakaraang eleksiyon," ani Limcaoco.
Sinabi ni Limcaoco na masyado ng desperado ang oposisyon at pati ang kuwentong kutsero ni Galang na anyay isang perennial loser sa congressional election sa unang distrito ng Laguna ay kanilang ginagamit. "Bakit ipapaubaya ng K-4 ang pangangampanya sa Mindanao gayong hindi niya maipanalo ang kanyang sarili, pagtitiwalaan pa namin siya?" wika ni Undersecretary Nolan Sison, assistant ni Limcaoco.
"Si Galang ay nag-volunteer lamang na tutulong sa kampanya pero ito ay hindi empleyado o operator ng K-4 at anuman ang kanyang ginawa, lalo na ang illegal na operation, ay walang blessing ng K-4," dugtong niya.
Kung mayroon anya siyang complaint, kailangang iharap niya ito sa tamang ahensiya.