12 sentimong taas sa singil sa kuryente 'di pinaboran ng SC
June 16, 2004 | 12:00am
Posibleng hindi na maipatupad ang 12 sentimong pagtaas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) matapos paboran kahapon ng Korte Suprema ang petisyon ng militanteng grupong Freedom from Debt Coalition, Partido ng Manggagawa, Akbayan at Sanlakas.
Sa botong 8-5-1, iginiit ng mayorya ng mga mahistrado na nagkaroon ng grave abuse of discretion sa panig ng Energy Regulatory Commission (ERC) nang pahintulutan ang 12-centavo provisional increase ng walang kaukulang notice sa publiko.
Bunsod nito kaya hindi nagkaroon ng pagkakataon na maipaalam sa mga consumer ng Meralco na harangin ang nasabing balak na singil sa kuryente.
Magugunita na nauna nang nagpalabas ng status quo order ang Korte Suprema ukol sa naturang usapin kung saan inatasan nito ang Meralco na ang orihinal na presyo ng singil sa kuryente ang ipatupad sa kanilang mga consumer.
Gayunman, nilinaw naman ng SC na taliwas sa nakasaad sa petisyon ng mga party-list groups, mayroong kapangyarihan ang ERC na pagbigyan ang kahilingan ng Meralco ukol sa provisional increase.
Sa botong 12-1, nilinaw ng SC na may statutory authority ang ERC na iresolba ang mga kahilingan ng naturang electric company para sa nasabing taas sa singil sa kuryente base na rin sa RA 9136 o EPIRA.
Nag-inhibit naman si Associate Justice Adolf Azcuna sa pagdesisyon sa kaso dahil sa dati itong abugado ng Meralco. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended