^

Bansa

Pagkuha ng fare matrix hanggang Biyernes pa -LTFRB

-
Hanggang Biyernes na lamang maaaring kumuha ng fare matrix ang mga operator at driver ng pampasaherong jeep at bus.

Ito ang binigyang diin kahapon ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board-National Capital Region (LTFRB-NCR) chief Glenn Zaragosa kasabay ng pahayag na papatawan na nila ng kaukulang penalty ang sinumang papasada ng walang fare matrix.

Ayon kay Zaragosa, binigyan nila ng pagkakataon ang mga driver matapos na sila ay dagsain ng reklamo kasunod nang ipinatupad na dagdag na pasahe sa mga pampasaherong jeep at bus.

Sinabi ni Zaragosa na maaaring magtungo sa kanilang tanggapan ang mga driver upang kumuha ng fare matrix dahil hindi naman sila tumitigil kahit na hatinggabi.

Sakaling hindi pa makuha ang fare matrix , sinabi ni Zaragosa na maaaring ipakita ng mga driver ang kanilang resibo na nakapagbayad na sila para dito.

Kailangan aniyang i-display ng mga driver ang fare matrix dahil may kaukulang penalty sa bawat paghuli, P500 para sa unang huli, P1,000 sa ikalawa at suspensiyon ng prangkisa sa ikatlong pagkakataon. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

DORIS FRANCHE

GLENN ZARAGOSA

HANGGANG BIYERNES

KAILANGAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD-NATIONAL CAPITAL REGION

SAKALING

ZARAGOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with