Oposisyon binalaan sa pag-delay ng canvass:'Galit na ang tao!' - GMA
June 11, 2004 | 12:00am
Nag-warning na kahapon si Pangulong Arroyo sa oposisyon na aanihin ang galit ng taumbayan kung patuloy pang ibibitin ang canvassing ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo sa Kongreso.
Ang babala ng Pangulo ay inihayag ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na nag-akusa sa oposisyon na humahadlang sa presidential vote count.
Ayon kay Bunye, inip na at galit ang taong bayan sa patuloy na pagkaantala ng bilangan ng boto sa Kongreso kaya hinihiling ng Palasyo sa oposisyon na iwasan na ang masyadong pagsasalita at gawin ng tuluy-tuloy ang bilang ng certificate of canvass para sa presidential at vice presidential.
Kitang-kita anya ng publiko na ang istratehiyang ginagamit ng oposisyon ay antalahin ang bilangan ng boto, maglunsad ng protesta at magpakalat ng ulat sa diumanoy dayaan sa halalan.
Ani Bunye, luma na ang taktikang ito at hindi na kinakagat ng mamamayan.
Isang buwan makaraan ang halalan ay naiinip na ang mga tao sa proklamasyon ng mga nagwagi sa halalan.
Idinagdag pa nito na kahit retirado na si Jaime Cardinal Sin bilang Manila Archbishop ay napilitan itong tumawag sa telepono para makiusap na kung puwede ay isulong na ang canvassing sa lalong madaling panahon.
Ang Guardians ay nagpalabas din kahapon ng isang manifesto na naghahayag ng suporta sa mga awtoridad ng pamahalaan na tumututol sa tangka ng ilang sektor na ibagsak ang pamahalaan.
Tutol din ang Guardians sa mabagal na bilangan ng boto sa Kongreso at hiniling na gampanan ng 22-man committee ang kanilang tungkulin sa mabilis na bilangan at proklamasyon ng mga nanalo sa presidential at vice presidential race. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest