^

Bansa

'Sunshine Coalition' bubuwagin sa 13th Congress

-
Mabubuwag na sa susunod na 13th Congress ang ‘sunshine coalition’ na binuo ni Speaker Joe de Venecia dahil sa napipintong pagkalas ng ilang prominenteng miyembro mula sa iba’t ibang partidong pulitikal.

Ito ang tiniyak kahapon ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos kaugnay sa paghahayag ng ilang mambabatas ng kanilang intensyon na labanan si de Venecia sa speakership.

Kapwa maglalagay ng kani-kanilang kandidato ang Nationalist People’s Coalition (NPC) at Liberal Party (LP) kaya siguradong mawawatak ang sunshine coalition na kinabibilangan ng Lakas-CMD, NPC, LP, NP at iba pang partidong pulitikal.

Sinabi ni Marcos na kapwa nakikipag-alyansa na ang NPC at LP sa iba pang maliliit na paksyon kaya siguradong mababawasan ang suportang makukuha ni de Venecia.

Marami na rin aniyang "young independent minded" na kasapi ng Lakas-CMD ang nagsasawa na sa "Old Boys Club" sa Kongreso kaya ibang kandidato sa pagka-speaker ang kanilang susuportahan.

Inihayag din ni Marcos na bagaman at nabuo ni de Venecia ang tinatawag na "rainbow" at "sunshine" coalitions kung saan pinagkaisa nito ang kongresista mula sa iba’t ibang paksiyon ay hindi naman niya napanatili ang pagiging "solid" ng mga ito. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ILOCOS NORTE REP

IMEE MARCOS

LAKAS

LIBERAL PARTY

MALOU RONGALERIOS

NATIONALIST PEOPLE

OLD BOYS CLUB

SPEAKER JOE

VENECIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with