Sinabi ni Sen. Pangilinan, inaprubahan na ng dalawang kapulungan ang rules sa pagbuo ng 22-man na miyembro ng komite na tatayong National Board of Canvassers kaya ang panibagong hirit na ito ng oposisyon na dapat ay maging 25 ang miyembro ay dapat ginawa nila sa 5 araw na debatehan ng Kongreso.
"We have already approved the rules of canvass and this should have been raised by the opposition during the debates and not at this late stage," wika pa ni Pangilinan.
Aniya, ang panibagong hinihirit ng oposisyon ay maliwanag na magpapahaba lamang ng debate at mangangahulugan na muling mababalam ang isasagawang actual counting ng binuong 22-man committee na miyembro ng NBoC. (Ulat ni Rudy Andal)