^

Bansa

176 Army reservists nag-alburoto dahil hindi binayaran

-
Umalma kahapon ang may 176 reservists ng Philippine Army mula sa 1st Regional Defense Group na nakabase sa Camp Laberinto, Naguilian, La Union matapos na hindi sila mabayaran sa kanilang "election duties" nitong katatapos na May 10 elections.

Sa reklamong iniharap ni MSgt. Antonio Acuavera, pinuno ng mga reservists sa La Union kay Col. Constantino Pante, Group Commander ng 1st Regional Defense Group, sinabi nito na tapat umano nilang ginampanan ang kanilang tungkulin bilang back-up force ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapalaganap ng katahimikan at kaayusan ng eleksiyon subalit pagkatapos ay nauwi lang sa wala dahil hindi nila natanggap ang nararapat na bayad para sa kanilang serbisyo.

Base sa sulat ni Acuavera kay Pante, iginiit nito na aprubado pa mismo ng Commission on Elections (Comelec) ang kanilang deployment kaya marapat lamang silang bayaran.

Anila, dapat silang tumanggap ng tig-P500 kada araw na allowance maliban pa sa P60 meal allowance.

Nabatid na may apat na araw na nagbantay ang mga reservists na nasa ilalim ng kontrol ni P/Chief Insp. Eduardo Abaday sa San Fernando City, bayan ng Bauang, Caba at Aringa simula noong Mayo 9 upang mangalaga ng seguridad doon. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTONIO ACUAVERA

CAMP LABERINTO

CHIEF INSP

CONSTANTINO PANTE

EDUARDO ABADAY

GROUP COMMANDER

JOY CANTOS

LA UNION

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGIONAL DEFENSE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with