^

Bansa

Ebidensiya ng pandaraya ihaharap ng KNP

-
Ihaharap ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) ang mga ebidensiya ng pandaraya ng administrasyong Arroyo kapag inumpisahan na ang canvassing ng boto para sa presidente at bise presidente bukas.

Inumpisahan nang kolektahin ng legal panel ng KNP ang mga ebidensiya ng pandaraya sa nakaraang eleksiyon, na kinabibilangan ng affidavit at dinoktor na election returns, upang maiharap sa joint committee na magsasagawa ng canvassing ng boto ng mga kandidato.

Umaasa ang legal group na kinabibilangan nina dating Comelec Chairman Harriet Demetriou, dating Immigration Commissioner Rufus Rodriguez at Atty. Avelino Cruz na maaaring mabura ang dalawang milyong botong nakuha ni Pangulong Arroyo kapag nakita na ang pandarayang ginawa ng administrasyon sa 25 lalawigan.

Pagtutuunan ng mga abugado ni FPJ ang returns mula sa Cebu, Iloilo at Pampanga kung saan umano nagkaroon ng malawakang dagdag-bawas pabor kay Mrs. Arroyo. (Ulat ni Rudy Andal)

AVELINO CRUZ

CEBU

COMELEC CHAIRMAN HARRIET DEMETRIOU

IHAHARAP

ILOILO

IMMIGRATION COMMISSIONER RUFUS RODRIGUEZ

MRS. ARROYO

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with