^

Bansa

Senate presidency target ni Villar

-
Binalewala lamang ni Senate President Franklin Drilon ang sinasabing banta ni Sen. Manuel Villar na agawin sa kanya ang pinakamataas na puwesto sa Senado sa pagbubukas ng sesyon ngayong Hulyo 26.

Sa ipinalabas na statement kahapon, binigyang-diin ni Sen. Drilon na hindi niya iniintindi ang ganitong ulat dahil abala siya sa kanyang papasaning trabaho sa canvassing ng boto ng presidential at vice presidential candidates na sisimulan sa Mayo 24.

Pero ang pahayag ni Drilon ay kabaligtaran naman sa aktuwal na kaganapan kahapon sa Senado dahil sa report na nagpatawag umano ito ng miting ng mga senador para magkaroon ng ‘loyalty check’ partikular mula sa Wednesday Group na kinabibilangan ni Sen. Villar.

Matatandaan na naluklok bilang Senate president si Drilon noong Hulyo 2001 matapos makipagkasundo ang yumaong senador na si Renato Cayetano na paghahatian nila ang termino ng Senate Presidency. Bago pa man mapunta kay Cayetano ang trono ay dinapuan ito ng sakit hanggang sa ikamatay nito kaya nagtuluy-tuloy ang termino ni Drilon. (Ulat ni Rudy Andal)

BINALEWALA

CAYETANO

DRILON

HULYO

MANUEL VILLAR

RENATO CAYETANO

RUDY ANDAL

SENADO

SENATE PRESIDENCY

WEDNESDAY GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with