^

Bansa

'Dagdag-bawas' pinabulaanan ni Loren

-
Kuwentong kutsero lamang at isang gimik ang alegasyon ng mga supporter ni Noli de Castro na sangkot si KNP vice presidential bet Loren Legarda sa isang umano’y dagdag-bawas operation sa Cebu City, pahayag kahapon ni Atty. Ed Escueta, campaign manager ni Legarda.

Ayon kay Escueta, dapat imbestigahan ang pinakahuling "media stunt" ni de Castro dahil malinaw na gusto lang nitong sirain ang reputasyon ng kanyang karibal na si Legarda sa pagbibintang sa huli bilang may pakana umano ng dagdag-bawas.

"At kung meron mang biktima ng pandaraya sa Cebu at sa maraming lugar sa bansa, ito’y walang-iba kung hindi si Senador Legarda. Papaano naman nangyari na si Loren ay na-zero sa maraming lugar kung saan mayroon kaming campaign managers at supporters?" tanong ni Escueta.

Sinabi ng abogado na maliwanag na "drawing" lang ang dagdag-bawas incident na ipinalabas ng mga poll watcher ni de Castro sa mga pahayagan.

"It’s criminal, the way de Castro’s camp has been trying to destroy Senator Legarda’s name. I believe that Loren pays no mind to them only because she knows that truth and the people are on her side," ani Escueta.

Sinabi ni Escueta na sasampahan nila ng kaso ang mga poll watchers ni de Castro kaugnay ng paninirang ginagawa nila sa reputasyon ni Legarda. (Ulat ni Rudy Andal)

AYON

CEBU CITY

ED ESCUETA

ESCUETA

LEGARDA

LOREN LEGARDA

RUDY ANDAL

SENADOR LEGARDA

SENATOR LEGARDA

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with