'Operation Dagdag-Bawas' kumikilos na sa Mindanao - Biazon
May 13, 2004 | 12:00am
Ibinunyag kahapon ni reelectionist Sen. Rodolfo Biazon na kasalukuyan nang kumikilos ang grupo ng "dagdag-bawas" sa Mindanao na kilalang balwarte ng oposisyon.
Sa pagbisita ni Biazon kahapon sa ginagawang quick count ng National Movement for Free Election (Namfrel) sa Greenhills, San Juan ay kinumpirma nito na nagsasagawa na ng operation dagdag-bawas ang ilang grupo.
Sinabi ni Biazon na kilala niya ang namumuno sa nasabing pandaraya subalit tumangging ihayag nito ang mga pangalan na kabilang sa naturang operasyon.
Inamin ni Biazon na isa siya sa mga target ng grupo ng dagdag-bawas upang malaglag siya sa senatorial slate.
Si Biazon ay lumalaro sa pang-pito hanggang pang-10 sa top 12 senatorial slate candidates ng ginagawang unofficial quick count ng Namfrel at ibang grupo.
Ayon sa report, karamihan sa mga lalawigan sa Mindanao ay balwarte ng oposisyon at nangunguna ang partido ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) sa pamumuno ng presidential bet nito na si Fernando Poe Jr. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest