Rep. Ocampo umalma sa maruming taktika ng kalaban
May 8, 2004 | 12:00am
Mariing binatikos ni 3-termer Congresswoman Sandy Ocampo, kandidato sa ika-6 distrito ng Maynila, ang maruming taktikang ginagawa ng kanyang mga kalaban sa politika.
Kamakalawa ng hapon ay nahuli ng mga supporters ni Ocampo ang apat na katao na namimigay ng mga claim stub para sa libreng bigas at groceries na umanoy galing sa kanya.
Ang apat na nakilalang sina Carmela Martinez, Ariana Javier, Jean Javier at Clariza Guizado ay nahuli sa Road 1, 2 & 3 Beata, Brgy. 837, Pandacan sa aktong namimigay ng mga claim stub para sa libreng bigas at groceries na Advanced Mothers Day gift umano ni Ocampo para sa mga residente ng nasabing distrito.
Ayon sa apat na nahuli, sila ay kabilang sa 12 katao na inutusan ng isang babae at lalaki na mamahagi ng libu-libong groceries stub kapalit ng kabayarang P400 bawat isa.
Nakasaad sa claim stub na mamamahagi ng bigas at groceries si Ocampo bilang pasasalamat sa patuloy na pagtangkilik ng mga makakatanggap nito.
Ito ay makukuha umano sa 8 redemption centers sa Punta, Sta. Ana at Pandacan.
Una rito, inireklamo ni Ocampo na inalis ang kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato na ipinapadala ng Comelec sa mga botante. Hindi tinanggap ni Ocampo ang paliwanag ng mga opisyal ng komisyon na umanoy printing error lamang ang nangyari.
Sinabi ni Ocampo na ang hindi pagsama ng kanyang pangalan sa listahan ay "malisyoso at sinadyang pagkakamali" ng mga opisyal ng Comelec.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest