Mayoralty bet kinasuhan ng perjury

Sinampahan kahapon ng kasong perjury sa piskalya ang isang kandidato sa pagka-alkalde bunga ng sinasabing umano’y pagsisinungaling nito sa kanyang certificate of candidacy (COC) na isinumite sa Comelec.

Kinasuhan ni Virgilio Sangoyo ng #19 F. Palmario St., Barangay Tonsuya, Malabon City ng kasong pagsisinugaling si Malabon mayoralty bet Jeannie Ng Sandoval sa Malabon Prosecutors Office.

Sa 2-pahinang complaint affidavit ni Sangoyo, malinaw umanong nagsinungaling si Sandoval sa Comelec matapos na ideklara nitong siya’y residente sa #91 Naval Extension, Bgy. Baritan, Malabon. Taliwas ito sa ipinalabas na sertipikasyon ng barangay na nilagdaan ni Baritan chairman Alexander Roque na nagpapatunay na hindi totoong naninirahan sa naturang address si Sandoval. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments