AKBAYAN nanakawan ng boto
May 1, 2004 | 12:00am
Hiniling ng AKBAYAN partylist sa Comelec na masusing bantayan ang eleksiyon sa sistemang partylist sa darating na Mayo para masigurong hindi masasayang ang mga boto para sa grupo.
Iginiit ito makaraang makatanggap ang AKBAYAN ng ulat mula sa mga lokal na organisador at mga miyembro nito na nagsasabing nalilito ang mga botante sa ipinagkaiba ng AKBAYAN at ng isa pang organisasyong tumatakbo sa partylist dahil sa magkatunog na pangalan ng dalawa.
Ang naturang organisasyon, ang Anak ng Bayan, ay sinabing partylist ng sektor ng kabataan ngunit nasangkot kamakailan sa balitang prente lamang umano ito ng CPP-NPA.
"Tinatanong sa amin ng mga tao kung ang AKBAYAN daw ay ang pinaikling pangalan ng Anak ng Bayan," ayon kay AKBAYAN secretary general Arlene Santos. "Dahil sa pangalan ng organisasyong ito ay nadoble ang aming trabaho dahil kailangan pa naming ipaliwanag sa mga botante ang ipinagkaiba ng dalawang grupo. Sa ibang picket ng Anak ng Bayan, Anakbayan pa nga ang ginagamit nitong acronym kaya lalaong nakakalito,"paliwanag ni Santos.
Dahil dito, nangangamba ang AKBAYAN na pagdating sa bilangan ng boto ay malilito ang mga electoral boards sa pagtala ng boto ng AKBAYAN sa kabilang grupo.
Naniniwala si Santos na sinadya ang pagkakahawig ng pangalan ng naturang partylist sa pangalan ng AKBAYAN.
"Sa katunayan, sa survey ng Pulse Asia at SWS kamakailan, lumitaw na magkapareho ang ratings na nakuha namin pero malinaw naman na mas malawak ang abot ng AKBAYAN dahil ito ay partido politikal na may kasapian sa buong bansa," pahayag pa ni Santos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended