Kaanak ng batang disabled na iskolar ni Noli umalma
April 27, 2004 | 12:00am
Kinondena kahapon si K4 vice presidential bet Noli de Castro dahil umano sa taliwas na mga pahayag nito tungkol sa isang batang may malaking kapansanan na kababayan niya sa Calapan City, Oriental Mindoro na kanyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang programang Magandang Gabi Bayan.
Sa pahayag ng pamilya ng batang si Peter John Barcelona na ipinanganak na walang dalawang paa at dalawang kamay, hindi nila nagustuhan ang naging sagot ni de Castro sa isang istorya na nalathala sa isang pahayagan (hindi sa PSN) na may pamagat na "Kabayans show hit for exploitation."
Sa kanyang sagot sa DZBB sa programa ni Rene Sta. Cruz, sinabi ni de Castro na hindi siya nangotong o nag-fund raising para kay Peter at sa halip ay inakusahan ni de Castro ng pangongotong ang mga Barcelona sa isang mapagkawanggawang taong nagbigay ng "tutorship" para kay Peter.
"Ang gusto nila ay cash at hindi tutorship," ang sabi ni de Castro. Pinangalanan niya ang mapagkawanggawa na si Christopher Monfort na isa raw taga-football federation na sa kasawiang palad ay naaksidente at namatay.
Si Peter ay tumanggap ng P5,000 matapos lumabas sa MGB noong June 12, 1999. Ang halaga ay galing daw sa MGB Foundation at hindi mula sa mga nalikom na kontribusyon ng mga taga-panood ng programa.
Pero nagtaka ang mga Barcelona kung bakit P5,000 lang ang ibinigay ni de Castro samantalang noong inilapit nila ang kalagayan ng bata kay broadcaster Rey Langit sa ibang istasyon ay nabigyan sila ng P80,000.
"Di ako humahawak at tumatanggap ng pera," diin ni de Castro sa interview. "At bakit ngayon lang sila nagrereklamo?" tanong niya.
Nagreklamo ang mga Barcelona matapos ang pangalawang pagpapalabas sa kalagayan ni Peter nitong Pebrero 7 sa MGB kung saan ay ipinakitang naglalakad, kumakain at naliligo si Peter habang nakahubad at nakalabas ang ari.
Ang kalunus-lunos ng kalagayan ni Peter ay unang ipinalabas sa MGB noong 1998 nang si Peter ay anim na taon pa lang. Nag-fund raising umano si de Castro para sa pag-aaral ng bata ngunit P5,000 lang sa halagang nalikom ang ibinigay sa pamilya ni Peter. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended