Bro. Eddie no. 2 kay GMA sa HK exit polls
April 27, 2004 | 12:00am
Sa kabila ng akusasyon ng anti-migrant worker, nanguna pa rin sa isinagawang exit poll si Pangulong Arroyo para sa mga absentee voters sa Hong Kong.
Sa isinagawang exit poll mula Abril 11-25, inihayag ng Asia Pacific Mission for Migrants sa isinagawang pulong balitaan sa Hong Kong, mula sa bilang na 277 botante, 117 voters ang nagsabi na ibinoto nila si Pangulong Arroyo habang pumangalawa si Bro. Eddie Villanueva ng Bangon Pilipinas sa botong 101 sa pagkapangulo.
Pumangatlo naman si Fernando Poe, Jr. na may botong 33 habang 26 voters ang nakuha ni Raul Roco. Wala sa listahan si Sen. Panfilo Lacson.
Sa bise presidente, naungusan naman ni Loren Legarda si Noli de Castro sa botong 124 kontra 55 boto ni de Castro, habang si Hermie Aquino ay 7 boto.
Mula sa 728 voters para sa partylist, 577 ang bumoto sa Migrante partylist, sumunod ang CIBAC, 110; Buhay partylist, 27; Butil, POP at TUCP, 11 boto. Tatlong botante lamang ang nagsabi na hindi sila bumoto para sa partylist.
Samantala, ipinalabas na kahapon ng Migrante partylist ang mga pangalan ng mga senatoriables na kanilang susuportahan sa darating na eleksiyon. Itoy sina Boots Anson-Roa, Carlos Padilla, Jamby Madrigal, Batas Atty. Mauricio, Perfecto Yasay at Aquilino Pimentel. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest