^

Bansa

Wage hike resolbahin - Jawo

-
Hinikayat ni K4 re-electionist Senator Robert Jaworski ang Tripartite Wage Board na resolbahin ang matagal nang idinadaing ng mga manggagawa sa kaliitan ng kanilang mga buwanang suweldo.

Ayon kay Jaworski, totoong hindi na sasapat ang P280 daily minimum wage sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,

Sinabi ni Jaworski na halos taon-taon na lamang sa tuwing sasapit ang paggunita ng May 1 Labor Day ay mas lalong tumitindi ang reklamo ng mga manggagawa laban sa mga kapitalista.

Dahil dito, sinabi ni Jaworski na ang kaliwa’t kanang pag-aaklas ng mga obrero ang lalong nagpapahina sa ekonomiya ng bansa, lalo na kapag ang mga nagigipit na kompanya ay napipilitang magsara.

Kaugnay nito, sinabi ni Jaworski na hindi matatapos ang paulit-ulit na problema sa pagitan ng mga manggagawa at mga employers kung hindi magkakaroon ng kongkretong solusyon.

Pinayuhan ni Jaworski ang wage board na humanap ng tamang solusyon na mapagbibigyan ang panig ng mga obrero at mga kapitalista upang hindi na humantong sa pagwewelga o kaya pagsasara ng mga kompanya. (Ulat ni Lilia Tolentino)

AYON

DAHIL

HINIKAYAT

JAWORSKI

KAUGNAY

LABOR DAY

LILIA TOLENTINO

SENATOR ROBERT JAWORSKI

TRIPARTITE WAGE BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with