Sinabi ni KNP gobernatorial candidate Charito Apacible, hindi binigyan ng permiso ni Mayor Santos-Recto ang rali ngayong gabi sa city plaza ng Lipa dahil gagamitin umano ito.
Ayon kay Apacible, mismong si Sen. Ralph Recto ang mahigpit ang pagtutol na bigyan ng permit ang rali lalo na kung papanik ng stage si FPJ para itaas ang kamay ni Ruben Umali na kalaban ni Vilma sa pagiging alkalde.
Sa phone interview ng PSN kay Apacible, kung siya lamang ay payag si Sen. Ralph Recto na bigyan ni Vilma ng permit ang rali pero kung itataas ni FPJ ang kamay ni Umali ay di sila magbibigay ng permiso.
Dahil dito, napilitan ang KNP na gamitin ang private lot na pag-aari ni Tony Leviste sa highway ng Lipa para pagdausan ng rali ngayong gabi.
Ikinatwiran ni Mayor Vilma na gagamitin sa ibang okasyon ang plaza. (Ulat ni Rudy Andal)