Kuryente ibababa,gagawing pinakamura sa buong Asya
April 15, 2004 | 12:00am
Pababain ni Pangulong Arroyo ang halaga ng kuryente sa bansa at gagawin niya itong pinakamura sa buong Asya.
Ito ang inihayag ng Presidente ng makipagtalakayan sa Makati Business Club at sa isang caucus kamakalawa ng gabi sa Cabuyao, Laguna kasama ang mga lokal na opisyal ng lalawigan.
Ang pagpapababa sa halaga ng kuryente ay kabilang sa anim na pangunahing basic services na ipupursigeng isulong ng Pangulo sa loob ng anim na taon sa sandaling manalo sa halalan sa Mayo 10.
Ayon sa Pangulo, nang magsimula siyang manungkulan noong 2001, ang singil sa kuryente sa bansa ay pangalawa sa pinakamataas sa Asya pero nagawa niya itong maibaba para ang presyo ng elektrisidad ay maging pang-6 na lang na pinakamataas sa rehiyon.
Pangunahin pa rin sa pagtutuunang pansin ng Presidente sa mga darating na panahon ay mabigyan ng sapat na pondong pautang ang mga maliliit at katamtamang laking industriya.
Sa loob ng tatlong taong panunungkulan sa puwesto, nakapaglaan ang pamahalaan ng P21 bilyong soft loan assistance sa maliliit at katamtamang laking industriya o SMEs.
Pero handa niyang triplehin ito sa halagang P653 bilyon para matustusan ang pagtatayo ng SMEs na lilikha ng trabaho sa mga Pilipinong naapektuhan ng pagsasara ng mga pabrika.
Ang iba pang basic services na ipinangako ng kanyang administrasyon ay ang trabaho, edukasyon, pangkalusugan at patubig. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest