Debate nina Roco at Bro. Eddie ngayon na
April 13, 2004 | 12:00am
Inaasahang magiging mainit ang paghaharap nina dating DepEd Sec. Raul Roco at Bro. Eddie Villanueva sa itinakdang presidential debate ngayong gabi sa Westin Philippine Plaza sa Pasay City.
Ayon kay Gerry Zorilla, tagapagsalita ni Villanueva, handang-handa na ang pambato ng Bangon Pilipinas party sa naturang debate na inorganisa ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Comelec kasunod ng kanyang pagkumpirma na makakarating ito.
Tanging sina Villanueva at Roco ang naging matapang na haharap sa debate na ang pangunahing layunin ay i-educate ang mga botante para sa pagpili ng kanilang kandidatong presidente sa May 10 elections.
Umaasa pa rin ang PPCRV na magbabago ang desisyon nina Pangulong Arroyo, Fernando Poe, Jr. at Sen. Panfilo Lacson na tumangging makiisa sa debate.
Dismayado naman ang ilang sektor sa naging asal-bata nina Arroyo, FPJ at Lacson na huwag sumali sa balitaktakan dahil lamang sa katuwiran na kapag hindi sisipot ang isa sa kanilang tatlo ay hindi na rin dadalo ang iba.
Sa memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan ng kampo ng limang nabanggit na presidentiables at PPCRV, tatlong oras ang debate na magsisimula bandang alas-6:30 ng gabi hanggang alas-9:30 ng gabi. Ang dalawang oras at 10-minuto dito ay para sa debate proper, opening statements at summation statements para sa lahat ng kandidato at ang natitirang 50 minuto ay para sa program intervals at breaks.
Ilan sa mga alituntunin ng debate ay ang paglalaan ng oras na limitado sa bawat presidential candidates. Bibigyan ng 2-minuto ang bawat kandidato para sa opening statements bago magsimula ang debate at isang minuto para sa summation statements matapos ang debate.
Matapos ito, may 3 rounds sa kabuuang debate na tumatalakay sa tatlong "areas of concern" ng national elections gaya ng pang-ekonomiya, pampulitika at pang-sosyal.
Bawat round ay magsisimula sa isang minutong paliwanag ng parameters at issues. Si Dr. Jose Abueva, pangulo at founder ng Kalayaan College at past president ng University of the Philippines ang magsisilbing debate moderator.
Dahil sa hindi sisipot ang tatlong kandidato, sinabi ng PPCRV na ibibigay ang lahat ng oras na inilaan sa kanila para gamitin nina Roco at Villanueva. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest