DepEd official dinedo sa campus
April 8, 2004 | 12:00am
Nabahiran ng dugo ang isang masayang graduation ceremony sa elementarya makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang district supervisor ng Department of Education (DepEd) na panauhing pandangal sa pagtitipon sa Placer, Masbate kamakalawa.
Nakilala ang biktima na si Floro Casas, 56, school district supervisor ng Placer West District at residente ng Masbate City.
Sa ulat na nakalap kahapon sa tanggapan ni PNP Chief P/Director Gen. Hermogenes Ebdane Jr., ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi sa loob ng compound ng Celera Elementary School sa Brgy. Villa Inocencio.
Nabatid na matapos ang graduation ay tumuloy ang biktima sa kanyang opisina upang pirmahan ang mga mahahalagang mga papeles hanggang sa ito ay pasukin ng apat na di kilalang mga lalaki na armado ng kalibre .45 baril at pagbabarilin ang biktima.
Mabilis na nagsitakas ang mga salarin patungo sa direksiyon ng Bgy. Daraga ng naturang bayan matapos masigurong patay na ang biktima.
Bunga ng pangyayari ay nabulabog ang mga magulang, estudyante, guro at iba pang panauhin sa nasabing eskuwelahan na nagpanakbuhan sa matinding takot.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang anim na basyo ng bala ng kalibre .45. Kasalukuyan pang inaalam ng mga awtoridad ang tunay na motibo sa pagpatay. (Ulat nina Joy Cantos at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest