^

Bansa

2 'sweetheart deals' pinatitigil ni Tatad

-
LA TRINIDAD, Benguet - Iginiit kahapon ni KNP senatorial candidate Francisco "Kit" Tatad kay Pangulong Arroyo na ipatigil ang pagpapatupad ng dalawang "sweetheart deals" nito sa bail out ng Maynilad Waters Inc. at pagkakaloob ng full control sa 81-kilometer North Expressway sa First Philippine Infrastructure Development Corp. na kapwa pag-aari ng Lopez family

Sinabi ni Tatad na hindi pa huli ang lahat para kay Pangulong Arroyo na ipahinto ang bail out sa P18 bilyong utang ng Maynilad at ang pagreregalo sa FPDIC upang kontrolin ang North Luzon Expressway kung saan ay kikita naman ang Lopez ng P432 bilyon sa loob ng 30 taon.

Aniya, maliwanag na highway robbery sa grand scale ang pinasok na ito ng Pangulo at dapat patunayan niyang wala siyang kinalaman dito dahil plunder case ang posibleng bagsakan niya kung hindi magbabago ang kanyang isip na ipahinto ang dalawang "sweetheart deals" na ito sa Lopez family. (Ulat ni Rudy Andal)

ANIYA

BENGUET

FIRST PHILIPPINE INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT CORP

LOPEZ

MAYNILAD WATERS INC

NORTH EXPRESSWAY

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

TATAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with